Pagsunod sa mga polisiya, ipinaalala ng DOE sa mga malalaking electric companies

Nagpaalala ang Department of Energy (DOE) sa mga malalaking electric companies para tiyaking sumusunod ang mga ito sa mga polisiya.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, aalamin nila kung sumusunod ang mga electric company sa inisyu nilang direktiba hinggil sa pagsasagawa ng maintenance ng generators tuwing peak hours o sa mga buwan ng Abril, Mayo at Hunyo.

Tiniyak naman ni Fuentebella ang ibibigay na parusa ng Energy Regulatory Commission (ERC), Philippine Competition Commission at DOJ sa mga pasaway na electric companies.


Matatandaang una nang inihayag ng DOE na malaki ang posibilidad na bumagsak ang electricity reserves ng bansa sa Yellow o Red Signals dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente.

Facebook Comments