Kailangang magkasa ng magkatuwang na imbestigasyon ang Department of Public Work and Highways (DPWH), Department of the Interior and Local Government (DILG), at National Bureau of Investigation (NBI) para silipin kung nakasusunod sa National Building Code at Structural Code ang mga itinatayong gusali.
Giit ito ni House Deputy Minority at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera makaraang umabot sa daan-daan ang mga gusaling gumuho o agarang nasira sa pagtama ng magnitude 6.8 na lindol sa Southern Mindanao.
Napuna pa ni Herrera na may mga nasirang bahay na itinayo lamang ng do-it-yourself builders ng walang konsultasyon sa engineers at architects.
Para kay Herrera, pananagutin at sasampahan ng malakas na kasong kriminal ang mga responsable sa kontruksyon ng nabanggit na mga mahina o “substandard” na mga istraktura na ang ilan ay bagong tayo lamang.
Ayon kay Herrera, ang mga taga-gobyerno na may kinalaman sa konstruksyon ay dapat matanggap sa pwesto o trabao habang dapat namang i-blacklist ang mga sangkot na contractor.