Pagsunod sa saligang batas, binigyang diin ng poll body kasunod ng pagbawi sa pagkapanalo ni Joey Uy ng 6th District ng Maynila at registration ng Duterte Youth Party-list

Kailangang pa rin sundin ang saligang batas.

Ito ang binigyang diin ng Commission on Elections sa pagkakakansela ng panalo ni Joey Uy ng 6th District Ng Maynila at registration ng Duterte Youth Party-list nitong 2025 midterm elections.

Sa panayam ng DZXL News, sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na mananaig pa rin ang itinatakda ng salitang batas kahit pa ang kandidato ang nakakuha ng pinakamaraming boto.

Sa kaso ni Uy, ipinaliwanag ni Laudiangco na kahit nanalo siya laban kay Benny Abante bilang representative ng 6th District ng Maynila, na-void ang kanyang certificate of candidacy dahil napatunayan na hindi siya naturalized citizen.

Sa kabila nito , binigyang ng limang araw ng Comelec Second Division si Uy upang maghain ng motion for consideration at kung mabibigo ay pormal nang idideklarang nanalo si Abante.

Samantala, hindi rin nakasunod sa mga requirement na itinakda ng batas kaya nakansela ang registration ng Duterte Youth bilang party-list.

Kabilang dito ang hindi pagsunod sa jurisdictional requirement ng publication at hearing sa intensyon para maging representante ng youth sector.

Bukod dito, lampas na rin aniya sa itinakdang edad ang representative ng grupo.

Mayroon din limang araw ng Duterte Youth na umapela sa desisyon.

Facebook Comments