
Tinawag na fake news ng Commission on Elections (Comelec) ang lumabas na report sa social media na burado o pag-delete sa lahat ng files na may kinalaman sa 2025 midterm elections.
Sa panayam ng DZXL News, itinanggi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na deleted na ang lahat ng files na hawak ng poll body.
Paglilinaw ni Laudiangco, tanging ang nasa server lang ng National Printing Office sa Quezon City ang binura bilang parte ng ipinapatupad na seguridad sa ilalim ng Data Privacy Act.
Kabilang sa mga binura ay ang files ng official ballots, voter information sheets, at ballot reprints.
Facebook Comments