Pagsuspinde sa pagpapataw ng VAT sa langis, panawagan ng isang kongresista kay PBBM

Nananawagan si Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na ipasuspinde sa lalong madaling panahon ang pagpapataw ng 12-percent Value-Added Tax (VAT) sa produktong petrolyo.

Hiling ito ni Brosas kay PBBM sa harap ng pagtaas ngayong araw ng limang piso sa kada litro sa presyo ng langis na tiyak magkakaroon ng epekto sa presyo ng pagkain at iba pang bilihin o serbisyo tulad ng pamasahe.

Diin ni Brosas, ito ay panibagong dagok na naman para sa mga pamilyang Pilipino na araw araw na nagsusumikap para makaraos at may makain.

Giit ni Brosas, hindi sapat ang mga promo at diskwento na pinag-uusapan ng Department of Energy (DOE) at oil companies dahil ang kailangan ay kongretong aksyon tulad ng pagsuspinde ng VAT sa langis.

Facebook Comments