Pagsuspinde sa Trabaho ng mga Empleyado, Ipinatupad sa LGU Cabaroguis

Cauayan City, Isabela-Nagpatupad ng dalawang (2) araw na work suspension ang lokal na pamahalaan ng Cabarroguis sa lalawigan ng Quirino bilang pag-iingat sa posibleng pagkalat ng COVID-19.

Ito ay batay sa Executive Order no. 29 na nilagdaan ni Mayor Willard Abuan.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay Ginoong Alexander Romua, Focal Person ng LGU Cabarroguis, kapansin-pansin ang malimit na paglabas ng publiko sa mga lansangan dahil na rin sa pag-iingat ng mga ito sa posibleng pagkahawa sa sakit.


Nakasaad sa kautusan na simula ngayong araw hanggang bukas (March 1-2,2021) ipatutupad ang nasabing suspensyon maliban sa tanggapan ng Municipal Health Office at Municipal Environment and Natural Resources Office.

Sa pinakahuling datos ng PHO Quirino, nasa 34 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan.

Hinihimok naman ng publiko na sundin ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health protocol para makaiwas sa COVID-19.

Facebook Comments