Pagsusulong ng mga benepisyo para sa solo parents, tiniyak ni Sen. Sotto

Manila, Philippines – Bilang patunay na wala syangintensyon na bastusin o insultuhin ang mga solo parents ay inimbitahan niSenate majority leader Tito Sotto III ang Federation of Solo Parents sa kanyangtanggapan.
  Kasunod ito ng kanyang kontrobersyal na biro saconfirmation hearing kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na ang mgasolo parents ay “na-ano lang.”
  Personal na inalam ni Sen. Sotto mula sa mga solo parentsang tulong na kailangan ng mga ito.
  Ipinrisinta naman ng federation of solo parents kay Sen.Sotto ang mga amyendang nais nila sa solo parents act.
  Kabilang dito ang mga diskwento sa pagbili ng damit,vaccine, pagkain, school supplies, tuition at iba pang pangangailangan ngkanilang mga anak pati sa entrance fees sa lahat ng recreational facilities.
  Hiling din ng grupo na mabigyan ng diskwento ang mga soloparents mismo para sa kanilang pagpapagamot at pagbili ng medisina.
  Hiling din nila ang dagdag na 50,000 pesos sakasalukuyang halaga ng mga allowance na exempted sa buwis.
  Nangako naman si Sotto na isusulongg ang nabanggit napanukala para sa mga single parents.
 
 
 
 
 
   

Facebook Comments