Para kay Committee on Economic Affairs Chairperson Senator Imee Marcos, napaka bad timing ang pagsusulong ng panukalang tax reform sa mga panahong ito.
Katwrian ni Marcos, ang lahat ng economic activity ay labis na apektado ng pinatutupad na enhanced community quarantine dulot ng COVID-19.
Paliwanag pa ni Marcos, matinding tinamaan ng halos natigil na takbo ng ekonomiya ang mga tradisyunal na pinagkukunan ng revenue ng gobierno tulad ng buwis, ito man ay individual tax payer, corporate, customs duties, consumer sales at iba pa.
Pahayag ito ni Marcos, makaraang sabihin ni acting NEDA Secretary Karl Chua na dapat isulong ng gobierno ang tax reform program dahil kung hindi ay mapipilitan ang pamahalaan na mangutang para mapondohan ang pagtugon sa krisis dulot ng COVID-19.
Pero giit ni Marcos, sa halip na mangutang, ay ipatupad na muna ang moratorium sa pagbabayad natin sa interes ng ating pagkakautang.
Dagdag pa ni Marcos, ang tax reform measure ay hindi naayon sa kinakailangan at pinaplanong economic stimulus package na dapat kapalooban ng tax relief.