Pinayuhan ni Senator Richard Gordon ang may maayos na kondisyon ng kalusugan na huwag ng makipag-agawan ng surgical face mask at iba pang medical supplies sa mga medical workers na mas nanangailangan nito.
Mensahe ito ni Senator Gordon, makaraan sabihin ng World Health Organization (WHO) na nagkakaroon ng problema sa suplay ng masks, gowns, gloves and other protective gear, dahil sa novel coronavirus outbreak.
Ayon kay gordon, dahil sa panic buying, hoarding at pananamantala ng mga negosyante sa nabanggit na mga produkto ay labis ang pagtaas sa presyo nito.
Giit ni gordon, ang mga frontline workers, tulad ng mga doktor, nurse at iba pang hospital personnel sa mga kinauukulang ahensya ay maapektuhan sa pagkaubos ng suplay ng mask at iba pang kailangang supplies para proteksyunan ang kanilang sarili.