Tinawag na fake news ng city government ng Dagupan ang pagtaas ng bayarin sa Aquaculture Lease Agreement (ALA).
Ang mga bayarin kaugnay sa Aquaculture Lease Agreement (ALA) ay nakapaloob sa City Fishery Ordinance No. 1768-2003 na inaprobahan ng Sangguniang Panlungsod matapos magsagawa ng consultations at hearings tungkol dito.
Ang mga bayarin ay binubuo ng mga sumusunod:
Aquaculture operation license, P300
Fishpen license, P500
Mayor’s Permit, P250
Ang kabuuan o total na bayarin ay P1,050. Mayroon ding Resource User’s Deposit na P2,500. Ito ay one-time payment kaya’t sa mga magre-renew, hindi na nila kailangang bayaran ito.
Sa mga first time na kukuha ng ALA, P3,550 ang kabuuan o total ng kanilang bayarin.
Ayon sa City Government inimbento lamang ang naturang figures na kumakalat ngayon sa social media.
Ayon sa City Government inimbento lamang ang naturang figures na kumakalat ngayon sa social media.
Hinikayat naman ang Dagupeño na maging mapanuri at mapagmatyag sa mga nakikitang post sa social media. | ifmnews
Facebook Comments