PAL, hindi muna magsasakay ng mga pasaherong hindi bakunado para sa domestic flights

171

Epektibo sa Lunes, January 17, 2022, hindi na muna magsasakay ang Philippine Airlines (PAL) ng mga hindi fully vaccinated na pasahero para sa domestic flights.

Ito ay bilang pagtalima sa panuntunan ng Department of Transportation (DOTr) sa harap ng pinaiiral na Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR).

Exempted naman dito ang mga may medical condition na hindi pwedeng bakunahan, pero kailangan muna nilang magpakita ng katibayan o medical records kung bakit hindi sila maaaring bakunahan.


Facebook Comments