Alodia Gosiengfiao, may paglilinaw sa kaniyang social media post

159

Nilinaw ng social media influencer na si Alodia Gosiengfiao na ibinase niya sa intarweb post ang kaniyang post.

Say ni Alodia, nagpapasalamat siya sa mga nag-share ng kaniyang post at humihingi siya ng paumanhin kung marami ang na-confuse sa kaniyang post na “Hi, ako nga pala yung sinayang mo.”

Araw-araw naman raw kasi siyang nagpo-post ng mga nakakatawang bagay.


Matatandaaang maraming netizens ang nag-react sa post ni Alodia at tinag sa comment section ang ex-boyfriend nito na si Wil Dasovich.

Kasunod nito, nagpost ng larawan si Will hawak ang isang rice cooker at may caption na “Hi, ako nga pala yung sinaing mo.”

Matatandaang isa ang hiwalayang Alodia-Wil sa pinag-usapan noong 2021 nang maghiwalay sila noong Nobyembre.



Facebook Comments