Pagtaas ng COVID-19 cases, binabantayan ng pamahalaan para sa susunod na quarantine classification – Nograles

Malaki ang magiging papel ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa sa magiging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa magiging quarantine classification sa susunod na buwan.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, mahigpit nilang binabantayan ang COVID-19 situation lalo na sa Metro Manila.

Ang Local Government Units (LGUs), Philippine National Police (PNP) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang magpapatupad ng mga hakbang para tiyaking sumusunod ang publiko sa minimum health standards.


Dapat aniya, maghigpit na sila ngayon pa lamang para mapigilan ang pagkalat pa ng virus.

Ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa General Community Quarantine (GCQ) at inaaasahang maglalabas ng rekomendasyon ang IATF bago matapos ang buwang ito.

Facebook Comments