Pagtaas ng kapasidad ng mga ospital, paghahanda sa posibleng surge ng Delta variant – DOH

Natuto na ang gobyerno sa mga nakaraang COVID-19 surge kung kaya’t mas naghahanda na tayo ngayon.

Ito ang inihayag ni Treatment Czar at Department of Health Undersecretary Leopoldo Vega sa gitna ng posibleng banta ng COVID-19 Delta variant na mas nakakahawa.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Vega na ito ang dahilan kung bakit inatasan na nila ang mga ospital na taasan ang kanilang kapasidad upang hindi na maulit ang nangyari noong nakaraang taon at nitong Abril.


Matatandaang noong Abril ay muling ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at mga karatig lalawigan dahil puno na ng mga pasyente ang karamihan ng mga ospital.

Pero ayon kay Vega, maaari naman munang ilaan ang mga kapasidad sa mga non-COVID patients at kung dumating na sa puntong nakapasok na ang Delta variant ay dito na gagamitin ang mga idinagdag na bed capacity.

Facebook Comments