Pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy, resulta ng exposure ng mga kabataan sa internet

Aabot sa 500 Filipino teenagers ang nanganganak kada araw.

Ayon kay Commission on Population (POPCOM) Executive Director, Undersecretary Juan Antonio Perez III – nasa 196,000 teenagers, edad 15 hanggang 19 ang nagsisilang ng sanggol bawat taon.

Ang mga babaeng may edad 15 hanggang 19 na nabubuntis sa kanilang unang anak ay tumaas mula sa 6.5% noong 1993 ay nasa 8.6% nitong 2017.


Sabi ni Perez – tumaas ang teenage pregnancy dahil sa exposure sa internet.

Nakikipag-ugnayan na ang POPCOM sa Department of Education (DepEd), Civil Society at Department of Health (DOH) para isulong ang komprehensibong sex education.

Facebook Comments