Pagtaas ng PhilHealth premium, dapat taasan ng mahusay na serbisyo sa publiko

Para kay Senator Joel Villanueva, ang pagtataas ng bayad sa PhilHealth ay perwisyo para sa mamamayan.

Sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) Act ay tataas ang premium rates ng PhilHealth mula 2.75% noong 2019 hanggang umabot ito ng 5% sa 2024 and 2025 kaya simula sa Hunyo ay 4% na ang kontribusyon para sa PhilHealth.

Kaya naman kung automatic ang pagtaas ng bayad sa PhilHealth ay iginiit ni Villanueva na dapat ding automatic ang pagpapaganda ng health services para sa mamamayang Pilipino.


Ayon kay Villanueva, dapat maging katumbas ng pinagbuting health services ang pagtaas ng singil sa PhilHealth contributions, lalo na’t may mataas na inflation ang bansa at tumataas din ang singil sa langis at mga bilihin.

Facebook Comments