Pagtakas ng COVID-19 Suspect sa isang Hospital, Fake News

*Cauayan City, Isabela*- Itinanggi ni Kapitan Silverio ‘Beer’ Ramones ng Barangay Turayong sa Cauayan City ang kumakalat na impormasyon hinggil sa pagtakas ng isang covid-19 suspect sa kanilang lugar.

Ayon sa kapitan, fake news na maituturing ang pagkalat ng video matapos kumpirmahin na nasa Santiago City ang pasyente habang hinihintay nito ang ikalawang swab test result.

Dagdag pa ng opisyal, matapos ang pagkalat ng video ay may isang tao umano ang personal na nagtungo sa kanya upang humingi ng paumanhin ukol sa insidente at kanya naman itong pinatawad subalit kinailangan pa rin nitong magpublic apology dahil sa kinatakutan ang kanilang lugar matapos itong kumalat.


Una rito, isinailalim sa disinfection ang bahay ng covid-19 suspect ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang masiguro na makakaiwas sa banta ng nakamamatay na sakit ang iba pang kalapit na kabahayan.

Samantala, nagpublic apology na ang may gawa ng pagpapakalat ng video subalit hindi kumbinsido ang pamilya ng covid-19 suspect sa ginawa nito.

Paalala naman ng mga kinauukulan na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon may kaugnayan sa covid-19.

Facebook Comments