Pagtalakay sa panukalang 4 day work week, itinakda na sa September 13 ng Senado

Manila, Philippines – Itinakda sa setyembre a-trese na ng Senado ang pagdinig sa panukalang 4-day work week na lusot na sa Kamara.

Ayon kay Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Chairman Sen. Joel Villanueva, kailangan na nilang desisyunan kung ia-adopt na lang nila ang bersyon ng Kamara o kung may senador pang maghahain pa ng counterpart bill.

Sa ilalim ng house bill 6152 – gagawin ng limang araw ang anim na araw na pasok ng mga empleyado sa isang linggo.


Magiging apat na araw, ang mga empleyadong pumapasok ng limang araw.

Kapalit ng bawas araw sa trabaho magiging sampu hanggang labindalawang oras ang pasok ng mga empleyado.

Katwiran naman ng Employers Confederation of the Philippines, mapapagod nang husto ang mga manggagawa sa haba ng oras ng trabaho kahit pa madadagdagan ang day off kaya’t balak nilang dumulog na kay pangulong duterte para tutulan ang panukala.

Facebook Comments