Pagtalakay sa proposed budget ng OVP, sinabayan ng kilos-protesta

Sinabayan ng Bagong Alyansang Makabayan ng kilos-protesta sa labas ng Batasang Pambansa ang pagpapatuloy ngayong araw ng pagtalakay sa mahigit P2 bilyon na panukalang pondo para sa susunod na taon ng Office of the Vice President (OVP).

Ang tema ng rally ay pusit kung saan nila ikinumpara ang asal ni Vice President Sara Duterte sa naging pagharap nito sa unang pagdinig sa budget ng kanyang tanggapan.

Magugunitang sinabi ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro na ang pusit ay nagbubunga ng maitim na tinta kapag nasusukol na kapareho aniya ng asal ni VP Duterte.


Pumapalag ito kapag nasusukol dahil sa mga isyu sa paggamit nya ng pondo lalo na kapag nauungkat ang isyu ng paggastos nito ng confidential funds.

Facebook Comments