Nakasanayan na natin ang pagtanaw ng utang na loob kahit alam nating di naman na kailangan dahil narin sa sinasabi nilang ang kusang pagtulong ay walang hinihintay na kapalit. Napag-usapan kanina sa programang iFM BestFriend Club ng iFM Dagupan ang tungkol sa nag-viral na facebook post ni Shishi Cruz De Leon na tinaguriang “Desperate Mother” ng mga netizens dahil sa naging pakiusap nito sa isang fast-food delivery boy.
Narito ang viral facebook post ni Ms. De Leon:
“Nagbakasakali lang naman ako ☺️
Nilagnat si Gabby kaninang madaling araw pero bumaba din bandang 6 a.m. kaya nakatulog ulit kami. Paggising ko around 8 a.m. chineck ko temperature nya 38.6. Pag nag 38 na temp nya panic na ko nyan. Wala na pala kaming stock na Tempra kaya nag message ako sa mga kapatid ko kung pupunta ba sila dito sa bahay. Hindi kasi ako makalabas dahil walang magaalaga kay Gabby. Kaso mukang tulog pa sila.
Sa sobrang desperado ko, naisip ko yung nakita kong post dati sa facebook na nag order sa Jollibee tapos nagpasabay na din magpabili ng Paracetamol. Kaya nag order ako online then nilagay ko sa Remarks na kung pwede magpabili ng Tempra drops para sa 1 year old baby ko. Hindi na ko umaasa na pagbibigyan ako kasi wala akong nareceive na confirmation email sa order ko. Eh pag checkout, may nakasulat don na makakareceive ako ng confirmation email. More than 20 minutes na wala pa din. Pinakain ko na lang muna si Gabby baka sakaling bumaba temperature nya.
Nagulat na lang ako may nagsalita sa pinto ng “Jollibee po”. Pinapasok ko si kuya. Nilabas nya yung order ko pati yung Tempra. Naiiyak talaga ko pagkakita ko non kasi hindi ko inexpect na pagbibigyan ako.
Sobrang salamat talaga Sir Aaron. Hindi sya nanghingi ng kahit anong kapalit. Tinanong ko siya kung anong pwede kong gawin para sa kanya. Sabi niya, sulatan ko na lang ng commendation yung likod ng resibo. Nagrequest na din ako kung pwede ko siya picture-an para makita ng Jollibee kung anong ginawa niya. ❤️
Maraming salamat, Jollibee
Kaya naman tanong namin sa ating mga idol best friends, Kung may tao kang tinatanawan mo ng utang na loob? Bakit?