Isang pampasaherong jeep, nasunog sa Quezon City

Manila, Philippines – Nahuli-cam ang biglang pagliyab ng isang pampasaherong jeepney sa Visayas Avenue, Quezon City.

Ayon sa tsuper na si Jeke Dela Peña – ipinarada nito ang kanyang jeep para mananghalian.

Ipinagtataka pa ni Dela Peña kung bakit ito lumiyab dahil maayos naman ang makina nito at naka-isang biyahe pa siya.


Ayon kay FO3 Mark Trajeras ng Quezon City Fire District – nadamay din sa sunog ang isang katabing van.

Agad namang naapula ng mga bombero ang apoy sa loob ng walong minuto.

Inaalam na ang naging sanhi ng sunog.
DZXL558

Facebook Comments