Pagtanggal ng VAT sa power generation, suportado ng isang Senador

Pinuri ni Senator Imee Marcos ang payo ni Energy Regulatory Commission (ERC) chairman Agnes Devanadera sa susunod na administrasyon na tanggalin na ang value-added tax (VAT) sa power generation at imantini na lang para sa power distribution.

Para kay Marcos, ito ay isang malinaw na solusyon para mapababa ang gastusin sa kuryente na sobrang tagal nang kinakailangan.

Ang mungkahi ni Devanadera ay umaayon sa inihaing panukala ni Marcos na huwag ng saklawain ng VAT ang benta sa kuryente, pati na rin ang importasyon ng mga makina at equipment na direktang gamit sa power generation, transmission, at distribusyon ng elektrisidad.


Sabi ni Marcos, hindi lang ang mga gumagamit ng kuryente sa bahay o pang-komersyal man ang makikinabang sa pagtanggal ng VAT.

Diin ni Marcos, makakahikayat din ito sa mga dayuhang investor na nag-aatubiling mamuhunan sa Pilipinas dahil sa mataas na singil sa kuryente sa bansa, na maituturing na pinakamataas sa Asya.

Facebook Comments