Isang Senador, nanawagan sa mamamayan na isantabi na ang eleksyon at magkaisa

161

Hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go ang mammayang Pilipino na na sa halip mag-away away pa dahil sa pulitika ay mainam na magkasundo tayong lahat para harapin ang mga hamon sa ating bansa tulad ng pandemya at iba pang krisis.

Sabi ni Go, hindi maiwasan na may mga magkakapamilya at magkakaibigan na nasira ang samahan dahil sa iba’t ibang paninindigan sa nagdaang eleksyon.

Pero giit ni Go, dapat makintal sa ating isipan na sa bawat eleksyon ay maroong natatalo at may nananalo at sa ganitong demokratikong proseso ay ang tinig ng nakararami ang dapat manaig.


Bunsod nito ay umaasa si Go na sa paglipas ng panahon ay maghihilom din ang lahat ng hindi pagkakaunawaan at muli tayong magkakaisa.

Diin ni Go, Kung magkakaisa tayo at sama-samang hahakbang patungo sa mas magandang layunin para sa ating bayan, ay walang suliranin na hindi natin kayang malampasan.

Facebook Comments