Thursday, September 17, 2026

Solong kapangyarihan ng Senado na magpasya kaugnay sa impeachment case ni VP Duterte, binigyang diin ng amici curiae

Solong kapangyarihan ng Senado na magpasya kaugnay sa impeachment case ni VP Duterte, binigyang diin ng amici curiae

Para sa House Prosecution Panel malinaw na binigyang diin ng apat na amici curiae na nasa kamay ng Senado ang solong kapangyarihan para magpasya kaugnay sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House impeachment team adviser and spokesperson Ace Barbers at House prosecutor 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez, ito ang nagkakaisang opinyon ng apat na amici curiae na inimbitahan ng impeachment court para magbigay ng pananaw ukol sa nararapat na voting threshold sa impeachment trial ni VP Sara.

Ayon kay Barbers, ang mga salita ng ating amici curiae ay nagbigay-liwanag sa kapangyarihang binigay ng Konstitusyon sa Senado bilang impeachment tribunal kung saan lahat ng rules para sa paglilitis sa isang impeachable officer ay nasa kamay ng mga senator-judges.

Diin naman ni Rep. Gutierrez, nagtutugma ang posisyon ng amici curiae na bahala ang Senado na magpasya kung ilan ang botong kailangan sa pagbibigay ng hatol sa impeachment case ni VP Duterte.

Kabilang sa amici curiae na humarap kahapon sa impeachment court ay sina Retired Chief Justices Hilario Davide Jr., Artemio Panganiban at Reynato Puno at retired Associate Justice Adolfo Azcuna.

Facebook Comments