Hindi na ikinagulat pa ni Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pagtanggap ni VP Leni Robredo na maging Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
Ayon kay Panelo, tulad nang mga nauna nyang pahayag ay mas mainam na tanggapin ng pangalawang pangulo ang hamon na pamunuan nito ang war on drugs ng Duterte Admin kaysa pumuna ito at magbatikos.
Sinabi ni Panelo, “moment ngayon” ni Robredo at dapat nitong ipakita ang mga hakbang at stratehiya sa pagsupil sa ilegal na droga.
Makakaasa naman aniya ang bise presidente ng buong suporta mula sa gabinete.
Sa katunayan, iniimbetahan ni Panelo si VP Leni na dumalo sa cabinet meeting mamaya upang malaman nito ang saklaw ng kanyang trabaho bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.