Pagtanggi ng bansa sa aid ng EU, bad diplomacy ayon sa taga oposisyon

Manila, Philippines – Inakusahan ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na bad diplomacy ang desisyon ng Duterte administration na tanggihan ang panibagong grants mula sa European Union o EU na aabot sa 250 Million Euros o katumbas ng 13.85 Billion pesos.

Nanghihinayang si Baguilat dahil ang buong European Union ay ikatlo sa pinakamalaking trading partner ng Pilipinas.

Nababahala ang mambabatas na maaaring maging dahilan pa ng pag-asim ng relasyon ng EU sa Pilipinas ang pagsantabi sa tulong na iniaalok sa bansa.


Isa pang ikinakaalarma ni Baguilat ay baka mangahulugan ito na lubos nang aasa o dedepende ang Pilipinas sa China na nang aangkin ng teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Humihingi naman ng paliwanag ang kongresista sa pamahalaan partikular kina bagong talagang kalihim ng Department of Foreign Affairs na si Alan Peter Cayetano at sa bagong special envoy to the European Union na si dating Senador Edgardo Angara tungkol sa tunay na rason bakit tinanggihan ng Pilipinas ang nasabing tulong.

DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments