Pinababang halaga ng COVID-19 test ng PhilHealth pinuri ni Sen. Bong Go. ; kahalagahan ng sapat at accessible healthcare services para sa mga Filipino,iginiit.

Pinapurihan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, chair ng Senate Committee on Health and Demography, ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mabilis na pagtugon para bumaba ang halaga ng COVID-19 testing.

Una nang nanawagan si Go sa PhilHealth na repasuhin ang kanilang COVID-19 test case rate dahil sa ulat nang pagiging overpriced.

“I am commending PhilHealth for their immediate response in cutting the cost of COVID-19 test as it provides us a wider coverage for all Filipinos who need to undergo testing in this time of health crisis while maximizing limited government resources,” Sabi ni Go.


At bilang tugon sa panawagan ay inanunsiyo ng nitong nakaraang Miyerkules, Mayo 3, ng Philhealth na binabaan na nila ang testing payment scheme para sa COVID-19 mula sa P8,150 patungo sa P3,409.

“Sa pagbaba ng cost ng COVID-19 test, mas makakatipid ang gobyerno at mas mabibigyan tuon pa natin ang mga health services na kailangan din nating i-address o dagdagan bukod sa COVID-19 testing lamang,” wika pa ng Senador.

Paliwanag ng PhilHealth, ang adjustment ay dahil sa “increased availability and affordability of testing kits in the market.”

Binigyang-diin din ng public health insurance company na may mahalagang papel din ang pagdami ng qualified facilities para makapagsagawa ng COVID-19 testing sa pagpapababa ng halaga.

Sa ilalim ng new payment scheme, babayaran ng PhilHealth ang P3,409 basta’t ang test kits and services ay ipagkakaloob ng ptesting laboratory. Kung ang test kits naman ay donasyon, babayaran ng PhilHealth ang P2,077, habang sa public hospitals naman ay magbabayad ang PhilHealth ng halagang P901 lamang.

Ipinunto ng senador na kailangan ang palagiang pag-reevaluate ng presyo lalo na sa medical supplies, equipment and services sa harap ng tumataas na demand para sa mas marami pang healthcare services.

“Ang kailangang gawin ng gobyerno ay palaging i-check kung affordable ba ang mga health services, equipment at kahit ang mga gamot para matulungan natin ang bawat Pilipino sa kanilang mga suliraning pangkalusugan,” Pahayag ni Go.

“Karapatan ng bawat Pilipino ang maayos na kalusugan at equal access o health care services. Ang trabaho naming ay para i-safeguard ang interes ng mga Pilipino lalong lalo na sa usaping pangkalusugan,” dagdag pa nito.

Sa kanyang mga nakaraang pahayag , ibinulalas ni Go na umaasa siyang patuloy na rerepasuhin ng PhilHealth ang case rates. Idinagdag pa nito na titiyakin niya at ng komite na ang PhilHealth rates ay nararapat “to get the best value of every single peso the government spends for this.”

Binigyan-diin din nito na habang maraming Filipino ang lubhang apektado ng COVID-19 crisis, tulad ng pagkawala ng kanilang trabaho at pangkabuhayan, walang kapaguran ang gobyerno para pagkasyahin ang limited resources nito para tulungan ang mga Filipino at para iniiwasan ang katiwalian.

“While government maximizes its limited resources, a lot of our fellow Filipinos have also lost jobs, livelihood and savings. We are fighting for survival — as survival is the name of the game here,”saad ng senador.

At bilang miyembro ng Joint Congressional Oversight Committee sa pagpapatupad ng Bayanihan to Heal as One Act, patuloy na ipina-aalala ni Go na ang pondo para tugunan ang COVID-19 pandemic at para makaagapay sa pangangailangan ng mga Filipino ay dapat kinukuwenta hanggang sa huling centavo.

“Particularly in times of crisis, every peso counts,” wika ni Go

Facebook Comments