Lungsod ng San Juan, 12 araw nang zero death sa COVID-19

Ikinatuwa ni San Juan City Mayor Francis Zamora na 12 araw nang walang nasasawing pasyente ng COVID-19 sa lungsod.

Ito ay batay sa datos ng health department ng lungsod ngayong araw.

Umaasa naman ang alkalde na wala nang masasawing COVID-19 patients sa kanilang lungsod upang hindi naman masayang ang kanilang ginagawang effort sa paglaban sa virus.


Maliban dito, dalawang araw na ring sunod-sunod na walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 na San Juan.

Sa kasalukuyan, 338 ang kabuuang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod kung saan 44 dito ang nasawi at 242 ang nakarekober na.

Facebook Comments