Pagtataas ng price ceiling para sa socialized housing, hindi dapat ipatupad ng administrasyon ni PBBM

Binatos at pinababasura ni Assistant Minority Leader at Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas ang inilabas na Join Memorandum Circular ng Department of Housing and Urban Development (DHUD) at National Economic and Development Authority (NEDA).

Para kay Brosas, hindi makatwiran ang nakapaloob sa nabanggit na memorandum circular na nagtataas sa price ceiling ng socialized housing projects sa 2.5 million pesos mula sa 1.7 million pesos.

This slideshow requires JavaScript.


Dismayado si Brosas na ipapatupad ito sa gitna ng paglobo sa 6.5 million ng housing backlog sa bansa habang wala ding pondong inilaan para sa pagtatayo ng pabahay sa ilalim ng 2024 National Budget.

Ipinunto ni Brosas, na wala ding saysay ang insentibo na ipagkakaloob sa mga developers na lalahok sa housing program ng gobyerno kung hindi naman kakayanin ng mga mahihirap ang presyo ng itatayong pabahay.

Bunsod nito ay nanawagan si Brosas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,

na maglaan ng pondo para sa socialized housing production bilang pagtataguyod sa karapatan ng mamamayan para sa paninirahan imbis na gawing negosyo ang pabahay.

Facebook Comments