Pagtataguyod ng KBP ng katotohanan at pagiging patas, pinuri ng liderato ng Kamara

Pinuri ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagpapanatili ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ng mahigpit na panuntunan na nagtataguyod ng katotohanan at pagiging patas.

Ayon kay Romualdez, ipinapakita nito ang husay ng mga Pilipinong mamamahayag na syang nagpapatibay sa pundasyon ng demokrasya sa ating lipunan.

Tiniyak naman ni Romualdez ang patuloy na suporta ng Mababang Kapulungan sa KBP sa pamamagitan ng paglalatag ng mga legislative reforms na magpapalakas ng pamumuhunan sa bansa na tiyak magpapa-unlad sa broadcast industry.


Mensahe ito ni Romualdez sa kanyang pagdalo sa ika-51 anibersaryo ng KBP na may temang “Empowering People’s Voices and Aspirations.”

Present din sa event ang matataas na opsiyal ng RMN sa pangunguna ng isa sa mga miyembro ng Board of Directors nito na si Mr. Butch Canoy, Executive Vice President for Operations and COO Enrico Canoy at RMN foundation Vice President for Operations Enrique Canoy.

Facebook Comments