Pagtatalaga kay Roy Cimatu bilang kalihim ng DENR – pinalagan ng mga anti-mining advocate, programa sa pagprotekta sa kalikasan – pinangangambahang mabalewala

Manila, Philippines – Dismayado ang mga anti-miningadvocate sa pagtalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Ambassador Roy Cimatubilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.
  Ayon kay Alyansang Tigil Mina National Coordinator JaybeeGarganera – duda sila sa kakayahan ni Cimatu na pangasiwaan ang DENR dahil walasiyang background ukol sa kapaligiran.
  Dahil dito, nangangamba ang grupo na baka mabalewala angmga programa ukol sa pagprotekta sa kalikasan lalo na ang pagpapatigil saoperasyon ng mga nang-aabusong mining companies na naumpisahan ni dating Sec. GinaLopez.
  Sa kabila nito, nakahanda ang grupo na makipagtulungan sabagong kalihim depende sa mga programang ipapatupad nito at kung maging bukasito sa dayalogo sa mga anti-mining advocate.
  Pero, pagtitiyak ni Cimatu, isusulong nito ang nasimulanni Lopez kung saan kanyang isusulong ang “responsible mining”.
 
  Sa kabila ng pagtutol ng ilan, siniguro ni Cimatu nagagawin nito ang lahat ng makakaya upang mapangalagaan ang kalikasan.

Facebook Comments