Isinisisi ni Sen. Panfilo Lacson sa mga tiwaling opisyal ng Bureau Of Customs (BOC) ang pagpasok sa pilipinas ng mga basura galing sa ibang bansa.
Sabi ni Lacson hindi matatapos ang katiwalian hangga’t nagpapatuloy sa pagtatrabaho sa BOC ang mga kurakot.
Patuloy aniyang papasok sa bansa ang tone-toneladang basura hangga’t nagtatrabaho sa ahensya ang mga pekeng consignee at mga tiwaling broker at opisyal nito.
Bukod kasi sa kontrobersyal na basura galing Canada, nadiskubre rin ang mga basura mula Australia, South Korea at Hong Kong.
Isinasailalim na sa fumigation ang mga container ng basura galing Canada.
Nauna nang sinabi ng Malacañang na ang gobyerno na ang Pilipinas ang magbabalik ng mga basura sa Canada dahil sa kabiguan nitong mahakot ang kanilang mga basura noong mayo a-kinse.
Itinakda naman ng Canada sa hunyo ang paghahakot ng mga basura pabalik sa kanilang bansa.