Pagtatanim ng 1 Milyong Punong Kahoy, Sinimulan na!

Cauayan City, Isabela- Alas 5:00 pa lamang kaninang umaga nang magtungo sa Sitio Lagis, Sindon Bayabo sa City of Ilagan ang convoy ng mga volunteers, iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, LGU’s at NGO’s para makiisa sa gagawing Reforestation Target Action (RTA) 1 million Trees in 1 Day project ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Romy Santos, media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela, kahit maulan ang panahon ay tuloy pa rin aniya ang tree planting na proyekto ng Provincial Government ng Isabela.

Nakikiusap aniya ang PGI sa bawat volunteers ay makapagtanim ng 50 punong kahoy.


Maaari din aniya na yung ibang mga pribadong ahensya na nangakong magbigay ng punong kahoy ay magtanim na lamang sa kanilang lugar.

Ganun din sa mga paaralan na kung maaari aniya ay magtanim sila mismo sa kanilang eskwelahan o sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments