Nagpapatuloy ang pagtatanim ng mangrove seedlings sa baybayin ng Infanta bilang suporta na mapangalagaan ang kalikasan.
Muling nagsama sama ang mga residente at tulong-tulong sa pagtatanim ng nasa higit isang libong mangrove seedling sa dalampasigan ng Sitio Atel, Brgy. Bayambang.
Ang pagtatanim na ito ay bilang patuloy na pagsuporta sa Green Canopy Program at proteksyon na mapanatiling maayos ang kondisyon ng biodiversity.
Nanguna naman sa isinagawang pagtatanim ang Community Environment and Natural Resources (CENRO) Western Pangasinan, katuwang ang MENRO Infanta, Provincial Planning and Coordinating Local Development Office (PPCLDO), iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, at mga volunteers. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









