Diffun, Quirino- Patuloy na tinututukan ng pamahalaang lokal ng Diffun, Quirino ang pagtatanim ng mga punong kahoy sa mga kalbong kabundukan sa kanilang bayan.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Mayor Marlo Guiliermo, patuloy na nakikipag-ugnayan umano ang pamahalaang lokal ng Diffun sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang matugunan ang pangangaylangan ng mga punong itatanim sa mga kalbong kabundukan.
Aniya ay mayroon umanong proyekto ang LGU Diffun kung saan ay dalawampu’t limang ektaryang tatamnan ng mga punong kahoy at bilang bahagi nito ay nakipag-ugnayan na sila sa mga barangay na siyang katuwang upang maisakatuparan at mapabilis ang pagtatanim ng mga puno.
Naniniwala naman ang alkalde na sa ganitong mga aktibidad ay mas mapapanatili ang likas na yaman at ganda ng Quirino at kaugnay parin ito ay ang pagtutok pa sa pagpapaganda ng mga tourist spots ng kanilang bayan.