Pormal nang inilunsad ang reforestation project o pagtatanim ng puno sa ilang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan matapos ang naganap ng MOA Ceremonial Signing sa pagitan ng mga Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation stakeholders at Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Naglalayon ang nasabing proyekto na mapaghandaan ang banta ng kalamidad lalo na at madalas nang mangyari ang mga pagbaha sa iba’t-ibang bahagi ng bansa gayundin ang mga gagawing hakbang sa epekto ng Climate Change sa lalawigan.
Ito ay sa pamamagitan ng inumpisahang pagtatanim ng mga puno na nauna nang isinagawa sa bayan ng Bugallon at Mangatarem na nakikitang isa sa mga long term solution ng Provincial Risk Reduction and Management Office.
Ayon din kay Gobernador Guico III, ay mas maiging mapaghandaan ang mga hakbang gagawin at maiwasan ang mga maaaring maging epekto bunsod ng climate change at hinikayat ang nasasakupan na makiisa sa programang inilulunsad sa lalawigan.
Samantala, tinitignan pa ang ilang bahagi ng probinsya ng Pangasinan na angkop na mapagtaniman pa ng mga puno. | ifmnews
Facebook Comments