Baguio, Philippines – Sa inisyung Executive Order No. 109, series of 2020 (EO 109-2020) noong Hulyo 8, ni Acting Mayor Faustino A. Olowan, patungkol sa pagpapahigpit sa implementasyon ng Ordinance No. 59, series of 2020 o ang pagbabawal sa pagtatapon ng mga kalat sa mga canal o mga daluyan ng tubig.
Habang tinutulungan ni Mayor Benjamin Magalong ang mga Contact Tracing Team sa Cebu at Muntinlupa, inisyu na ng Acting Mayor ang EO kasabay ng pagtalaga sa mga mangangasiwa sa implementasyon ng ordinansa kung saan kabilang sina City Environment and Parks Management Officer Rhenan Diwas, City General Services Officer Eugene Buyucan, City Treasurer Alex Cabarrubias, Baguio City Police Office (BCPO) Director Allen Rae Co at City Health Officer Dr. Rowena Galpo na nagsagawa na ng ilang guidelines para sa epektibong paghuli sa mga lalabag sa ordinansa.
Ang ordinansa ay paparusahan ang mga indibidwal o establisimyento na mahuhuling nagtatapon ng kanilang dumi sa mga daanan ng tubig, mga iligal na pagtatanggal o pagsira sa mga tubo, mga nagtatapon ng kanilang kalat sa bawat anyong tubig at canal, at bibigyan ang mga ito ng parusang Community Service o/at pagbawi sa business permits o/at magmumulta ng nasa higit P1,000 hanggang P5,000.