Mga nasawi sa lungsod ng Makati dahil COVID-19, pumalo sa 109

Umakyat na sa 109 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lungsod ng Makati nang dahil sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) ngayong araw, July 17, 2020.

Ito’y matapos bawian ng buhay ang isang COVID-19 patient kahapon.

Batay sa tala ng Makati City Health Department, ang pasyenteng nasawi ay residente ng Barangay Rizal ng naturang lungsod.


Dumarami naman ang bilang ng recoveries sa Makati City, matapos itong madagdagan ng 6 kahapon, kaya naman ngayon araw, nasa 772 na ito.

Subalit, tumaas naman ang bilang ng active cases sa lungsod na umabot na ngayon araw ng 612 mula sa dating bilang na 588.

Nasa 1,493 na ngayong araw ang kabuuang bilang na confirmed COVID-19 case sa Makati City, matapos ito magkaroon kahapon ng 31 bagong kaso ng positive cases.

Facebook Comments