Cauayan City, Isabela- Masayang idinaos ang graduation ceremony ng nasa mahigit kumulang isang libo at limang daang mag-aaral sa Isabela State University (ISU) Cauayan Campus ngayong araw.
Ang naturang pagtatapos ng mga mag-aaral ng ISU ay dinaluhan ng kanilang panauhing pandangal na si 2nd District of Maguindanao Congressman Zajid Mangudadatu.
Sa naging talumpati ni Cong. Mangudadatu sa naturang okasyon ay binigyang diin nito ang importansya ng pagkakaisa at aniya, iba’t-iba man umano ang ating mga paniniwala ay pinagbubuklod naman umano tayo bilang iisang Pilipino kaya dapat lamang umano na magkaisa tungo sa tagumpay.
Nanawagan din si Cong. Mangudadatu sa lahat ng mga mag-aaral at mga kabataan na hanapin nila ang kanilang mga kapalaran lalo na ngayon at nagtapos na ang mga ito sa kolehiyo at matuto din umanong mag-ipon at huwag lang umasa sa magulang.
Pinayuhan rin ni Cong. Mangudadatu ang mga mag-aaral na mahalin ang kanilang mga magulang at guro bilang kanilang pangalawang nanay na naging gabay upang makamit ang kanilang matagumpay na pagtatapos.