Quezon City – Naging tahimik at mapayapa sa pangkalahatan ang pagtatapos sa Ramadan o Eid’l Fitr sa lunsod ng Quezon.
Sa panahong ito, nadiriwang ang mga kapatid nating muslim kasunod narin ng ramadan na tumagal ng isang buwan.
Ayon kay QCDP District Director Chief Supt Guillermo Eleazar, halos 5k mga muslim na taga-QC ang nagtipon sa Quezon City Circle para sa nasabing pagdiriwang.
Bilang pakikiisa, sa Eid Al Fitr nagbigay ng siguridad ang QCDP sa mga kapatid nating Muslim sa Quezon City Circle mula alas 6 hanggang alas 9 ng umaga.
Pinanghahawakan ngayon ni General Eleazar ang pangako ng mga Muslim leaders sa lungsod na hindi sila tatanggap o mag-aampon ng mga rebelde o terroristang mapapadpad sa kanilang lugar.
Ito ay kasunod na rin ng magandang ugnayan ng mga pulisya at Muslim community sa lunsod.