Pagtatatag ng ahensiyang mangangalaga sa mga OFW, minamadali na sa Senado

Minamadali na ng Senado ang pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFIL) para sa pagkakaroon ng isang sangay ng pamahalaan na tutugon sa kalagayan ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Ayon kay Senator Christopher Bong Go, nasa plenaryo na ang diskusyon para mapadali na ang pagsasabatas nito.

Sa pamamagitan kasi ng DOFIL ay pag-iisahin at padadaliin na lang ang proseso upang magkaroon ng one-stop-shop para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) at maiiwasan na rin ang problema ng bansa laban sa mga fixer.


Kasama sa mandato ng panukalang batas ang 24/7 na emergency response adaption center unit na sasagot sa mga OFW anumang oras na mangailangan ng tulong ang mga ito mula sa gobyerno.

Sa ngayon, batay sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) as of June 2019 ay nasa 10.35 milyon ang mga OFWs habang sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay nasa 8.87 milyon OFWs ang nasa ibang bansa.

Facebook Comments