Pagtatatag ng specialty centers sa bawat rehiyon, lagda na lamang ni PBBM ang hinihintay

Lagda na lamang ni Pangulong Bongbong Marcos ang kailangan para ganap nang maging isang batas ang pagtatatag ng mga specialty center sa bawat rehiyon sa Pilipinas.

Ito ay matapos ratipikahan ng Kongreso ang bicameral conference committee report ng naturang panukala.

Sa ilalim nito, imamandato ang pagkakaroon ng specialty centers sa mga ospital sa buong bansa na nasa pangangasiwa at kontrol ng Department of Health (DOH).


Nakasaad sa panukala ang 17 specialties na ipaprayoridad ng DOH, ilan dito ang cancer care, cardiovascular care; lung care; renal care and kidney transplant; brain and spine care; trauma care; mental health; geriatric care at iba pa.

Sinabi naman ni Senator Christopher “Bong” Go, sponsor ng panukala sa Senado, sa pamamagitan ng panukala ay mailalapit ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan na may malubhang sakit pero walang kakayahang bumiyahe sa Maynila para makapagpagamot.

Facebook Comments