Senate Majority Leader Joel Villanueva, inatasang maging caretaker muna ng Senado

Itinalaga si Senate Majority Leader Joel Villanueva bilang caretaker ng Senado sa mga susunod na linggo.

Sa inilabas na special order na nilagdaan noong June 1, 2023 ay inaatasan ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Villanueva bilang Officer-in-Charge ng Senado mula June 3-15 habang pansamantalang wala ang Senate President.

Ayon kay Villanueva, bahagi ng pagiging Majority Leader ay ang mag step up kapag hiniling ng liderato ng Senado.


Sinabi ni Villanueva na “business as usual” sila sa Mataas na Kapulungan kahit nag-adjourn sine die na sila noong nakaraang linggo.

Hindi pa rin aniya natatapos ang trabaho sa Senado at ang mga kasamahang mambabatas ay nagpahayag din ng kahandaan na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga pagdinig sa gitna ng session break.

Facebook Comments