Ehekutibo, pinaalalahanan sa mahigpit na pagpapatupad sa safeguards ng Maharlika Investment Fund

Pinaalalahanan ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang ehekutibo na mahigpit na sundin ang pagpapatupad ng safeguards sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Go, umaasa ang Senado na itataguyod ng Ehekutibo ang commitment nito sa pagpapatupad ng mga safeguard ng sovereign wealth fund.

Giit ng senador, mahalagang matiyak na mapapangalagaan at masisigurong hindi masasayang ang pondo ng bayan.


Sinabi naman ni Go na mahigpit na magbabantay ang Senado sa Maharlika fund sa pamamagitan ng oversight committee upang matiyak na ang kapakanan at ang kinabukasan ng mga Pilipino ay maitataguyod at mapoprotektahan.

Dagdag pa ng senador, bagama’t kinikilala naman ang kahalagahan na maexplore ang ibang oportunidad sa pamumuhunan para makalikom ng pondo para sa muling pagbangon ngayong post-COVID-19, binigyang diin ni Go na mahalagang maging maalam at maingat ang gobyerno sa paggamit ng limitadong resources.

Facebook Comments