Pagtatayo ng 1-Billion Renewable Energy Projects sa Cagayan, Isinusulong

*Cauayan City, Isabela-Inihayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang napipintong pagtatayo ng *Renewable Energy Projects sa bayan ng Aparri at Lal-lo na inaasahang lilikha ng maraming trabaho para sa mga Cagayanos.

Ayon kay Mamba, tinatayang nasa mahigit 1-bilyong piso ang proyekto na maaaring maging dahilan rin ng mas lalo pang pag-angat ng ekonomiya ng probinsya.

Dagdag ng gobernador, partikular ang pagtatayo ng solar power plant at mga windmill sa lalawigan.


Isang Korean Private Company ang nagsumite ng proposal para sa nasabing proyekto.

Aniya, kailangan na makagawa ng resolusyon para masimulan na ang proseso at maisaayos ang iba pang mga kakailanganing dokumento.

Tiwala naman si Mamba na marami pang bansa ang interesado sa potensyal ng lalawigan gaya na lamang ng China, Taiwan, Japan at South Korea.

Facebook Comments