Pagtatayo ng Department of OFW, ipinag-utos ni Pangulong Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III na madaliin ang pagtatayo ng Department of OFW.

 

Sa kanyang talumpati sa “araw ng pasasalamat” para sa mga OFW sa Quezon City kagabi. Sinabi ng pangulo na dapat naitayo na ang departamento pagsapit ng Disyembre ngayong taon.

 

Bukod sa sariling ospital, lalagyan din daw niya ito ng police attache na tutugon sa problema ng mga OFW.


 

Ayon pa sa pangulo. sa halip na sa mga recruitment agency, ang departamento na rin ang tutulong sa mga pinoy para makahanap ng trabaho sa abroad.

 

Nagbanta rin ang pangulo na ipagbabawal ang mga recruitment agency nambibiktima lang naman ng mga pilipinong nais mangibang-bansa.

Facebook Comments