Pagtatayo ng istraktura sa Pag-Asa island, posibleng simulan na sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Posible sa susunod na buwan ay simulan na ang pagtatayo ng Pilipinas ng mga istraktura sa Pag-Asa Island sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kaniyang unang pagbisita sa isla.

Ayon kay Lorenzana, kabilang sa itatayo sa lugar at maaaring i-upgrade ay ang commercial fish port, ice plant, mas malaking daungan, pagpapaganda ng airstrip at mas tataasan pa ang nakatayong flagpole sa naturang isla.


Aniya, nasa P1.6 billion pesos ang inilaang pondo ng pamahalaan para rito.

Ang mga construction materials aniya ay magmumula at bibilhin pa sa Palawan.

Bukod rito, naglaan din aniya ng P10 milyon ang provincial government ng palawan para sa pagsasa-ayos ng mga istruktura at facilities sa naturang lugar.

Kabilang sa mga itatayong istruktura sa Pag-Asa Island ay mga water desalination system, barracks, fish port, at beaching ramp.
Nation

Facebook Comments