Halos 50 Afgan soldiers, patay sa pag-atake ng Taliban insurgents

Afghanistan – Umabot sa halos 50 Afghan Soliders ang patay matapos ang ginawang pang-aatake ng taliban insurgents sa military base sa Northern Balk Province.

Inako ng Taliban ang nasabing pang-aatake kung saan nagpanggap na sundalo ang mga Taliban fighters na dumaan sa Military checkpoints bago isagawa ang raid.

Ang base sa Mazar-E-Sharif ay lugar ng Afghan National Army 209th corps na sila ang pangunahing nagbabantay sa Northern Afghanistan kabilang na ang Kunduz Province.
Nation


Facebook Comments