Pagtatayo ng matitibay na evacuation centers, pinamamadali na

Photo Courtesy: Vice President Leni Robredo | Facebook

Inutusan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Human Settlement and Urban Development Secretary, retired Major Gen. Eduardo del Rosario na magtayo ng mga bahay para sa mga residenteng nawalan ng tirahan.

Iginiit ng Pangulo ang kailangang magtayo ng matatag na evacuation centers lalo na at ang Pilipinas at palaging tinatamaan ng kalamidad.

Nakiusap naman si Vice President Leni Robredo – sa mga lokal na pamahalaan para magtakda ng evacuation centers para sa mga hayop para hindi na rin magpabalik-balik sa danger zones ang mga residente.


Facebook Comments