Pagtatayo ng specialized training center para sa mga construction workers sa lahat ng rehiyon sa bansa, isinulong sa Kamara

Pinabibigyan ng ilang kongresista ng karampatang skills at training ang mga construction workers sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Nakapaloob ito sa House Bill 9281 o panukalang Philippine Construction Workers Academy Act, na inihain nina CWS Party-list Representative Edwin Gardiola, Surigao Del Sur 1st District Representative Romeo Momo at Malasakit at Bayanihan Foundation Party-list Representative Anthony Rolando Golez Jr.

Layunin ng panukala na matiyak na “top-tier” ang mga gagawing kalsada, gusali at iba pang istruktura sa buong bansa.


Base sa panukala, sa Lipa, Batangas target na itayo ang pilot Philippine Construction Workers Academy.

Isasailalim sa isang competitive bidding process, ang pagpili ng pribadong kompanya na mag-o-operate nito katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Target naman na gawing 80-100% ng tuition fee sa itatag na Philippine Construction Workers Academy ay sasagutin ng TESDA.

Facebook Comments